By Estanislao Albano, Jr.
I am no fan of President Rodrigo Duterte but neither do I let pass flagrant nonsense from the anti-Duterte crowd. This happened again last week when Tonyo Cruz who I would later find out to be an anti-Duterte blogger and Manila Bulletin columnist posted the following on his Facebook page: “Kami, ang mga barker, vendor, tsuper, labandera, mangangalakal at iba pa na matagal nang nagsisikap para maitawid and aming pamilya. Walang sinumang pinipili ang maging mahirap. Pero minsan kapag tumitindig ang mga mahihirap laban sa kahirapan, sila pa ang masama. Gloria “Ka Bea” Arellano, Kadamay, National Chairperson. #BabaeAko.”
Estanislao Albano: Ugali ba ng mahirap na Pilipino na nang-aangkin sa mga bagay na hindi naman sa kanya? Sa alaala ko ngayon lang naman na sumulpot ang Kadamay biglang may mga mahirap na sa buong akala, komo mahirap sila, igawan sila ng bahay ng gobyerno. Paano kung lahat ng mahirap mula Mindanao hanggang sa norte e magalaKadamay na rin sila?
Tonyo Cruz: Ugali ng Pilipino na lumingap sa mga mahirap. Hindi naman pwedeng mayaman ang humingi ng libre o murang pabahay. Yung 114,000+ na pabahay na gustong okupahin ay WALANG LAMAN, WALANG NAKATIRA, TINANGGIHAN NA NG MGA BENEFICIARIES AT GANAP NANG NABUBULOK.
Sa maraming bayan sa mundo, may libre/murang pabahay dahil importante yung anti-poverty measure. Obligasyon yun ng pamahalaan. Alamin natin ang isyu bago umatungal.
Estanislao Albano: Sagutin ang tanong o wala kang sagot? Paano kung lahat ng mahirap mula Mindanao hanggang sa norte e magalaKadamay na rin sila?
Estanislao Albano: (Posted the Philippine Star story “Kadamay members storm Rizal housing project” which cited the findings of the National Housing Authority that 600 units in the Pandi, Bulacan housing project awarded to the Kadamay have been rented out and that there are even reports that some recipients sold their units or applied with other government housing projects.)
Kung ikaw ang mayaman na kayang lumingon sa mahirap sa pamagitan ng libreng pabahay, bigyan mo ang Kadamay base sa nangyari sa Pandi?
Rene Respicio: Hindi lang nauunawaan ang damdamin ng mahihirap. Tunggalian talaga ng uri. Uri ang nagtuturo kung bakit may mga taong sadyang di nakaunawa sa uri niya. #fight for a cause. That is a good fight.
Estanislao Albano: Rene Respicio, sagutinmo ang tanongko at basahin ang news na pinostko hinggil sa nangyari sa bahay na nakuha ng Kadamay sa Pandi.
Rene Respicio: Estanislao Albano. Walang sinuman na gustong maging mahirap, sir. Maraming tunggalian habang tayo’y nabubuhay. Umabot na sa yugto na ang mga mahihirap ang nagpapanday ng kasaysayan. They are the persecuted minority. Sa ating lipunan ang mga mahihirap ay laging kasama sa budget ng gubyerno pero hindi sila nakikinabang. Mainam nga yan at hindi sila tumitira sa gitna ng mga kalsadang kontrata ng mga kurakot ng politiko. Sana maunawaan mo ang pakiramdam ng mahihirap, sir.
Estanislao Albano: Rene Respicio, kung lahat ng mahirap sa bansa hindi na lang magsumikap ang paggawa ng sariling bahay at mang-agaw na lang tulad ng Kadamay, anong mangyari?
Estanislao Albano: (Posted the Philippine Star editorial titled “Jumping the queue” which asked what gives Kadamay the right to grab whatever they want and urging the government to deal decisively with the anarchy.)
Tonyo Cruz: Ibig sabihin palpak at peke yung lahat ng naunang anti-poverty measures, at di umuunlad ang mga mahihirap. Wag isisi sa mahihirap ang mga malalaking social and political problems kung bakit laganap ang kahirapan.
Ang nakakahiya sa mga may pinagaralan, napakababaw mag-isip lalo na tungkol sa mahihirap at kahirapan. Nakapikit ang mata.
Estanislao Albano: Tonyo Cruz, sagutin ang tanong. Basahin ang tungkol sa nangyari sa Pandi. Kung ikaw may bahay na ibigay, ibigaymo sa Kadamay?
Rene Respicio: Estanislao Albano ang gubyerno ang naglagay sa kanila sa ganyang situwasyon, sir. Sila ang nagtatak sa kanila.
Estanislao Albano: Rene Respicio, hindi uusad ang debate kung yong unang issue e hindi mareresolba at may ibang issue na na linalatag. Ang tanongko na di niyo sinasagot e kung anong mangyari kung lahat ng mga mahihirap sa bansa a magalaKadamay at lulusob na rin sa mga housing projects ng gobyerno.
Rene Respicio: Estanislao Albano hindi mareresolba ang kahirapan. Dahil malalim ang ugat nito. Even in biblical times. Hindi naresolba. We are living one roof but we are not in the same footage, sir.
Tonyo Cruz: Hindi talaga uusad ang anumang diskusyon tungkol sa kahirapan kapag inuuna ang paninisi sa mahihirap. Kapag ang mga nakapag-aral ay walang maioffer kundi paninisi at “lecture” kung paano umahon sa kahirapan— nalilibre ang mga isyung sanhi ng kahirapan: Endo, low wages, landlessness, etc.
Estanislao Albano: Rene Respicio, hindi naman ang issue dito e kahirapan. And issue dito e kung tama ba na basta nalang susunggab ang mga mahihirap ng mga bahay na hindi kanila. Huwag kang mabahala darating din tayo sa issue kung kasalanan ng gobyerno ang kahirapan ng mga tao sa bansa. Ang akin lang, tapusin muna natin ang naunang issue para may naman orderly at hindi ala Kadamay pati discussion natin.
Estanislao Albano: Tonyo Cruz, hindi ako naglelecture. Nagtatanong ako base sa postmo. Handa akong makidebate sa iyo pero mukhang kayo hindi.
Tonyo Cruz: Wag kang tamad. Wag mo hingin sa akin yong iaargumento mo. Magresearch ka para idebunk yong legal, political and economic bases ng Occupy campaign ng KADAMAY. Galawang tamad ka kung makipagdebate.
Estanislao Albano: Sabihim mo lang kung dimo masagot ang aking simpleng tanong kagaya nong tanongko last week kung sino nagsabi sa inyo na matino si Duterte. May naisip ka na ba na sagot doon?
Estanislao Albano: Ganito ending nong debate natin dati: (screen shot of the ending of our first debate where I had the last word.)
At this point, my access to his page was cut. Through a friend, I found out that Cruz deleted my last two comments after which he let his followers including Rene Respicio continue the debate in the absence of the opponent. In fairness to Cruz, he did not join the shadowboxing perhaps because his remaining sense of fairness would not allow it. How the debate went after Cruz blocked me:
Rene Respicio: Estanislao Albano, kung wala kang sariling pagiimbestiga wala kang karapatang magsalita.
Rene Respicio: Tonyo Cruz makatarungan debate hindi naman makasunod ang lecturer natin.
Rene Respicio: Estanislao Albano dito tayo sir sa board discussion intellectual debate po ito wag mo ako pm. I dont accept friends on pm. Sorry.
(Rene Respicio who, according to his profile, is priest of the Crusaders of the Divine Church of Christ, is referring to my private messages telling him that Cruz blocked me and that they could enjoy their empty victory but he refuses to open the message until now. I have also emailed Cruz telling him how childish and pathetic he is accompanying it with screen shots of the thread before and after he took liberties with it but no answer from the kid until now.)
Beng Rivera-Reyes: Kung hindi kahirapan ang basehan ng “lecture/discussion” na ito, walang patutunguhan. Napadaan lang. Bye.
Ryan Pangilinan: Estanislao Albano hindi nila lulusubin yang mga tiwangwang na bahay na yan kung noon pa eh may mura at libreng pabahay na totoo ang gobyerno.
Ian Rodriguez: Estanislao Albano nasagot na ang tanong mo. Hindi ugali ng mahirap na angkinin ang di sakanya. Sa kasong ito, ang mga pabahay na inokupa ay mga dapat na matagal na dapat napasakanila. Dapat mo rin siguro analisahin ang mgabalita. Karaniwang ipinahahayag lang ng balita ang statement ng magkabilang panig. Sa ganong paraan ay hindi mauugat ang aktwal na mga pangyayari. Maaari kayong gumawa ng investigative documentary (na hindi biased) at ihistorizise ang pangyayari at housing problem. Wag lang basta mag interview, try living their lives, it is also a method of research.
Ian Rodriguez: Estanislao Albano pag di pa kayo naresolve, itanongmo kay Belinda Gruta
Rene Respicio: Estanislao Albano Tatanungin kita sir kung kanino panig ang iyong pananaw sa mahihirap o sa mga mayayaman?
Fr. Rene Respicio is talking about intellectual debate when he does not even know the rule on sticking to the issue. Based on this encounter, it can be said that some anti-Duterte people are not very far behind when it comes to crudeness and rudeness in debate. **